International News
Entertainment News - Top Stories
Vicki Needs Time to Heal from Break-Up with Hayden
February 22 --- Matapos ang isang linggong pagpapahinga sa abroad, nagbalik na sa bansa ang celebrity doctor na si Vicki Belo. Sa pagbalik ni Vicki sa bansa, nakiusap ito na bigyan siya ng pagkakataong hilumin ang kanyang sugatang puso bunga ng pakikipaghiwalay niya kay Hayden Kho.Pag-amin ni Vicki, hindi madali ang kanyang pinagdadaanan lalo't pitong taon ang naging relasyon nila ni Hayden.
Figure out what lesson I'm supposed to learn from this . I'm doing ok. I'm still sad of course but it would be weird if I wasn't since in 3 months we would have been together 7 years. Im trying," ani Vicki gamit ang kanyang Twitter.
Nagpasalamat din si Vicki sa lahat ng kanyang tagasunod sa Twitter na aniya ay una pang nakaalam sa isyung nag-uugnay kay Hayden at Nancy. "I most especially thanked God for all of you tweeps. You guys were the first to know , when I found out and had proof I tweeted immediately," ani Vicki.
Pareho namang itinanggi ni Hayden at Nancy ang isyu pero naniniwala si Vicki na may basehan ang sinasabing report na nag-uugnay kay Nancy at sa kanyang long-time patner. Samantala, itinanggi din ni Vicki ang isyung nag-uugnay naman sa kanya sa Azkals player na si Aly Borromeo at yoga instructor niya.
source: push.com.ph